WAITLISTED NG 2ND SAP IBIBIGAY PA
SAP UPDATE
[2nd tranche at waitlisted beneficiaries]
Sa kasalukuyan, mayroong 142,525 na mga kwalipikadong pamilya sa CALABARZON ang hindi pa nakatatanggap ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program at kasalukuyang ini-schedule ang payout sa kani-kanilang mga lokal na pamahalaan.
Ang bilang na ito ay base sa talaan ng 'unserved beneficiaries' na isinumite at pondong naibalik sa DSWD ng StarPay, GCash, Union Bank at Land Bank of the Philippines.
Ang payout sa mga pamilyang ito ay isasagawa ng DSWD regional office sa kada bayan sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.
Pinapaalalahanan po ang mga benepisyaryo na ang payouts ay maaaring gawin ng ilang bugso o batches at ang schedule ng mga ito ay aming ipapaalam sa inyong mga lokal na pamahalaan. Iwasan pong magtungo sa DSWD Field Office IV-A sa Alabang, Muntinlupa City upang kumuha ng SAP dahil ang mga staff po mismo ng DSWD ang pupunta sa inyong mga bayan upang magsagawa ng payout.
Sa kasalukuyan, higit 7,000 mga pamilya na mula sa bilang na ito ang nakatanggap ng ayuda.
Comments
Post a Comment