DALAWANG GULANG NA SANGGOL WALA NANG PULSO
DALAWANG BUWANG SANGGOL NA WALA NA RAW PULSO, TINANGKANG BUHAYIN SA PAMAMAGITAN NG PAGDARASAL NG ISANG FAITH HEALER VIA… VIDEO CALL?!
“Nu’ng nilapag namin ‘yung anak namin, parang nangingitim ‘yung palibot ng mata niya. ‘Yung labi niya, putlang-putla!
Hindi na po talaga gumagalaw ‘yung baby namin. Hindi na po siya humihinga. Wala na rin siyang pulso. Wala na po talagang buhay!
Mahigit 20 minutes po siyang sinubukan i-revive pero wala pa rin po.
Kaya doon na po kami humingi ng tulong at nakipag-video call sa isang faith healer.
Tinapat ko ‘yung camera ng cellphone ko sa noo ng anak ko. Doon na siya dinasalan.
Ang tumatakbo na lang sa isip naming mag-asawa nu’n, sana ‘wag muna kunin ng Ama ‘yung anak namin!”
-Vince
ama ng sanggol
“Dumadalangin ako sa Ama, na pakinggan Niya ako. ‘Ibalik N’yo sa kanya ang kanyang hininga.’”
- Faith Healer
Ang kabuuang kuwento ng pinaniniwalaan nilang milagro, ngayong Linggo sa #KMJS
!
Comments
Post a Comment